GP BUDGET, kritikal
Ito ang pahayag ni Jason, bilang kinatawan ng GP, kritikal na ang budget sa susunod na buwan. Aniya, hanggat walang magsusumiti ng karagdagang larawan o gagawa panibagong gimik para ipadala sa kanyang tanggapan para matustusan ang lumulubong tagasubaybay sa kanyang website. Dapat daw isaalang alang ang pagiimbak ng mga larawan as a reserve sa mga panahong kukunti ang larawang naisumite sa kanyang tanggapan para maibsan ang budget deficit.
Ayon sa kanyang mga alipores, LV at Che, tinatayang nasa 20% pa rin naglalaro kumpara sa unang quarter ng taong kasalukuyan na 30% ang nagpapadala ng katangtanggap na imahin. Gayunpaman, tiniyak ng una na hindi maapektuhan o mababawasan ang kanilang serbisyo publiko, sa halip nagtatag sila ng bagong linya; http://oigreenpinoy.multiply.com. Subalit hindi raw nila kontrolado ang ekonomiya dahil na rin sa pagtaas ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Magkakaroon man ng epekto ay itoy kanilang pinaghahandaan.
Noong nakaraang buwan, lubos nyang ikinabahala ang paglisan ni LV. Isang malaking kawalan si LV sa kanyang programa at mahirap maghanap ng tusong kapalit nito. Ngunit wala raw silang magawa sa naging disesyon ng una na gusto muna mapag-isa. Nakalipas ang ilang araw ay bumalik si LV at nagkakaroon ng kakaibang sigla lahat ng mga nakakilala sa kanya lalo na ang GP Department.
Habang sinusulat ko ang baliang ito, damang dama pa rin ang kasiyahan ng mga tagamasid at miyembro. (Boy Lawlaw)
welcome to molested world...
3 comments:
Ako ba'y napapag-huli sa balita? Dibdiban at pinangatawanan mo na yata Boy Lawlaw ang pagiging Kinatawang Personal sa Pamamahayag (PRO)ang marubdob mong pagmamahal sa mga alipores at disipulo ng WWW.OI.GREENPINOY.COM/
Mabuhay ka!
hahaha... mga artista kasi mga yan at sikat.. kaya pwede natin... siraan o ipapalengke...hahaha
nakakatuwa ka naman...
Post a Comment