Thursday, July 3, 2008

Pasulit III - Sa Maikling Panahong Kapiling Ka Sherwnilas… (Short Time with Sherwin) Part 1

PART 1

Ito ay hango sa isang masayin at makulay kung ka-opisina at kaibigan. Itago na lang natin sa pangalang Sherwin de los Santos. Tubong Bulacan 23 anyos at binata ng magkatagpo ang aming landas. Isang desente, propisyonal at kilalang pamilya at kamag-anak ang kanyang kinagisnan. Kagilagilagis ang taong ito dahil hindi pangkarinawan, hindi pangkaraniwan dahil naiiba, naiiba dahil naiiba ang kanyang kwento, laging nagtatapos sa lumang tsinelas. Nasa isip ko marahil nabato ito ng tsinelas sa kanyang kamusmusan na naging tanda ng kanyang karansan.

Karamihan sa ating mga kwento ay nagtatapos sa tawanan, suntukan, biruan o minsan naman sa libingan. Yong maruming pag-iisip lagi naman nagtatapos sa tae. Sa tsinelas minsan ika’y nadudulas o sinadyang nadudulas. Dito nag-uumpisa ang aming mga karanasang sa libingan lang malilimutan.

Nakatayo ako noon sa aking kinatayuan ng may biglang lumapit sa akin.

Sherwin: Pare, san lakad nyo ngayon?
Ako: Uuwi na ako pare at sasakay ng ganun. (sabay turo sa jeepney)
Sherwin: Diba tayo gigimik total Biyernes walang pasok bukas?
John: Kaya nga matutulog ako bukas.

Sherwin: Pasyal naman tayo kahit saglit lang, unsyami nya.

Lahat: Ikaw na lang pare.

Matapos ang dalawang gabi, kinaumagahan nagkita kami sa may hagdanan ng aming pinapasukan.

Ako: Musta pare. Natuloy ka ba last Friday?
Sherwin: Umalis na sila Aby, nag-audit sa Guadalupe.
Ako: Bat ka bumaba, saan punta mo?
Sherwin: Aakyat na lang ako mamaya po.
Ako: Bilyard daw tayo after office sabi ni Paulo?
Sherwin: Wala akong dalang tsinelas, sambat nito habang papalayo.

Nagtataka ako kung bakit ganun ang kanyang mga reaksyon. Ang dating daan na hinahangaan ko na hindi nya matanggap, ang dating pagkakilala ko sa kanya na may paninindigan lalo na tuwing nagpapaliwanag ng mga komentaryo ng kanyang mga membro hingil sa usaping auditorya. Hindi lang malakas ang appeal pati na rin ang impluwensya nya sa sangkatauhan lalo na pagdating sa pagibig.

Malapit ng matapos ang oras ng trabaho, nag-eedit ako ng “Payment Order Payable” habang siya naman ay gumagawa ng detalye ng mga kaso, “missing cash deposit” yata yon pinagkakaabalahan nya. Pumunta ako sa Xerox machine at di kalayuan doon siya nakaupo kaya naisip kung dumaan sa desk nya.

Ako: Tol, masyadong seryosa ah.

Sherwin: Ayos lang, deadline na kasi.
Ako: Mamaya alis tayo ah… laban daw kayo ni John 2 botles, kami na lang iinum. Hehehe..
Sherwin: O sige mamaya para magkaalaman, pakisabi na rin kung nakapagpractice na sya?, pagmamayabang nya.

Si John lagi nyang kabakbakan kasi match sila at walang panama sa akin, ito naman pagmamayabang ko.


Ano kaya ang susunod na mangyayari sa tagpong ito? At Bakit?
a. Nagkasubuan si John at Sherwin
b. Nagkaroon ng mahabang trapik sa lansangan
c. Nag overtime si Sherwin
d. Nagsanib si Sherwin at John para labanan si Ako at si Paulo
e. Nagkakaroon ng matinding pagtatalo sa tsinelas.

“Huwag hayaang gamitin ng iba ang tsinelas
Pagkat ito ay luluwag, sino may aapak madudulas.”


Itutuloy…

2 comments:

lethalverses said...

nampucha... anong itsura yan??

bading na bading lang ako ah hahahaha....

molestedtwineggs said...

nyahaha.. katuwaan lang verses.. di mo ba naalala yong kwentong tsinelas natin.. ikaw may kapakanana nun.. hehe.. pinag iisipan ko pa naman to.. hahha