Friday, July 4, 2008

Pero Bakit?


Lagi na lang tinutukso
Duwag daw ako, alipin ng laho
Pero lahat ng gusto mo pinagbigyan ko
Sa lahat ng bagay ikaw pinapahalagahan ko
Pero bakit ako ginaganito mo?

Mga mata ko noon nagniningning at sariwa
Puno ng galak at paguunawa
Ngayon parang bilasang isda na de mailaga
Balot ng lungkot at pagkamasama
Pero bakit nandito ka pa?

Kung hangin ka lang, uutot ako para mahilo ka
Pero hindi ka nahihilo, ako ang nagdurusa
Kung liwanag ka man, pipikit ko aking mga mata
Pero hindi ka nawawala, ako nabubulag at nagkakandarapa
Pero bakit ayaw mong magpakita?

Chorus:

Pero bakit? Tanong ko sayo.
Magpakita ka. Waksan mo ang loob ng aking bungo.
Gusto ko’y liwanag ng aking isipan.
Kahit katumbas nitoy kasawian.
Pero Bakit? Tanong ko sayo.

Marahil ako’y pinanganak na sawi.
Walang landas kundi laging naaapi
Puso't isipan, pati pintas sa katawan parang gulpi
Kahit umaga na, pakiramdam laging gabi
Pero bakit ako nagmimithi?

Mga braso ko noon ay malakas at masigasig
Gagawin ang lahat hindi lang sa iniibig
Ngayon ay matamlay at nanlalamig
Napalitan ng pandidiri at takot sa tubig
Pero bakit ako buhay pa sa daigdig?

Kung dumi ka man, itatapon kita sa inodoro
Pero hindi ka nuubos, bulsa ko ang nalaslas pambyad sa puso negro
Kung apoy ka man, sisindihan kita hanggang maglaho
Pero hindi ka naglaho, bahay ko at kasangkapan
ay naabo
Pero bakit ako nagkakandarapa sayo ?

Chorus:

Pero bakit? Tanong ko sayo.
Magpakita ka. Waksan mo ang loob ng aking bungo.
Gusto ko’y liwanag ng aking isipan
Kahit katumbas nitoy kasawian.
Pero Bakit? Tanong ko sayo.

Bridge:

Wala akong saksakyan papuntang kalakawakan
Wala akong barko papuntang karagatan
Higit sa lahat walang pagkakataong magnakaw
Pag ginawa ko ito'y sa kulungan ang aking saklaw
Gusto ko lang espasyo at liwanag sa isipan.

Repeat Chorus 2x 1/2 fret higher.


2 comments:

JIMG29 said...

BUT WHY?
An impressive song from a lover full of despair.

But you probably meant to say LUHO instead of LAHO (from the second line)

molestedtwineggs said...

originaly luho yan pero pinalitan ko sa laho... kasi parang contradicting sa susunod na mensahe.. pero maraming salamat your a good proof reader..

more power.. jimg..

yong masahe ko ha..