Friday, September 12, 2008

kinakapa kapa

ito ay gawain ng karamihan, isa na rito si AKO;
paumanhin sa mga mahiluhin, read moderately


sa ganda ng busilak ng araw
sa umagang aking tanglaw
may hinagpis ng unang tanaw
pakiramdam na balisawsaw
sa pagmulat ng aking mata
ang parang madulas at mamasa
sa paggising na hirap bumuka
mutang lagi kinakapa kapa.

kasing lamig ng kanin bahaw
ngunit minsan ay masabaw
hirap huminga at humiyaw
parang naghihintay ng dalaw
sa aking hintuturo nanunuot
madulas na parang lumot
sa simula ay kasing lambot
kinakapa kapa kong kulangot.

malat na boses ang saklaw
sa lalamunay ubod ng uhaw
nilunok kita parang sabaw
buti sa dila ko lang nalulusaw
malamig at madulas parang kuwan
kulay dilaw at hindi mahawakan
akala ko sasabit sa aking lalamunan
kinakapa kapa kong balunbalunan.

hinubad ko ang aking manggas
may nahawi na biglang tumigas
umiinit at gustong bumalikwas
lumantad may buhok parang ahas
hinahanap hanap kita baluga
kinakapa kapa ko ng bahagya
may tumalsik at humuhopa
di mapaliwanag ang nadarama.

welcome to molested world...
http://mte-leisurepursuit.blogspot.com