Thursday, September 11, 2008

double violations

Ito ang ginawa ko kanina… ang kumain ng kumain. Di ko talaga kayang tangihan ang inalok sa akin ng officemate ko ang pinadala sa kanya galing Pinas na kahit sa harap ng Muslim officemate ko ay nginangatngat at winawagayway ko pa ito. Sa pagdampi pa lang sa aking labi ang isang boung piraso nito ay lasap ko na ang katas at alat nito hanggang mabaon ng husto sa aking bibig at simulan nguyain ng aking matigas na ngipin ng akyat pababa sabay tulak ng aking naglalaway na dila at isang malakas na animo’y pagsabog ng malutong o crispiness ang aking naririnig abot sa aking tainga at halos napapikit ang aking mga mata habang nakaramdam ako ng kasarapan. Paborito ko kasi to. Tapos sinabayan ko ng isang basong likido.

Bakit ko ba sinasabing twin violation? Kasi po ganito, una, bawal kasi sa Islam ang Pork, dahil “Pork Chicharon” to sigurado akong gawa ito sa balat ng baboy; therefore bawal; pangalawa, sa buwan “Ramadan” bawal kumain tuwing may araw o sabihin nating daytime at alam ko tuwing Ramadan 7:30am to 3:00pm na lang ang work kaya may araw pa, meaning lumabag ako sa batas ng Islam. Buti na lang hindi local ang mga Islam na kasama ko kaya tanggap na rin nila.

Ang sarap talaga ng Pork Chicharon!

Isip Isip…


welcome to molested world...
http://mte-leisurepursuit.blogspot.com

No comments: