Sunday, January 10, 2010

Bakit mas mainam mangarap pag saksi ang buwan at mga bituin?

Ito ang aking haka-haka;

  1. Sa gabi kasi madalas lasing kaya yong mata maliwanag pa sa buwan kung anu-ano na lang   pinagsasabi at may pa-english-english pa.
  2. Di kasi kayang titigan ang araw sa halip buwan at bituin na lang.
  3. Minsan pag-uwi ng bahay pagkatapos ng work nakakapagod at nakakaantok kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kathang isipan.
  4. Pag nasuntok sa mukha nakakita ka ng bituin palatandaan na mahalaga ito lalo na kung mangarap at mangako. Di ba may kasabihan “suntok sa buwan” at hindi “suntok sa araw”.
  5. Kalimitan ng mga manliligaw ay nangangako sa gabi lalo na pag bilog ang buwan upang makasuyo at makatabi sa buong magdamag kung saka-sakali. Sa ngayon bilog ang buwan bago ang kasalan. Ganito ang pagkasunod-sunod, kasalanan-kasalan-kasa, in English sin-wedding-divorce.
  6. Marahil ang iba sa atin ay gustong lumipad katulad ni Darna, ayon manananggal sa kabilugan ng buwan.
  7. Ok lang na saksi ang buwan at bituin, di naman sila pwede maging witness sa hukuman.
  8. Tuwing eleksiyon laging gabi ang rally dahil panahon ito ng pangako.

Sa iyong palagay, bakit nga ba tayo nanangarap tuwing bilog ang buwan?

kung gets mo? sige, sigaw na... Pinoy Ka!

No comments: