sino kaya star sa site na to?
hmmm... it might be Diego ng Bubble Gang?
di kaya ang mga babaeng hinugot sa tadyang?
o ibig ba sabihin, its a brand new thing?
o baka naman galing lang sa baul?
kung gets mo? sige, sigaw na... Pinoy Ka!
a reference blog containing compilation of inaccuracy from reality to possibility of imaginary from unconscious mind due to the gradual effect of the climate change in human promising advocacy.
- Sa gabi kasi madalas lasing kaya yong mata maliwanag pa sa buwan kung anu-ano na lang pinagsasabi at may pa-english-english pa.
- Di kasi kayang titigan ang araw sa halip buwan at bituin na lang.
- Minsan pag-uwi ng bahay pagkatapos ng work nakakapagod at nakakaantok kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kathang isipan.
- Pag nasuntok sa mukha nakakita ka ng bituin palatandaan na mahalaga ito lalo na kung mangarap at mangako. Di ba may kasabihan “suntok sa buwan” at hindi “suntok sa araw”.
- Kalimitan ng mga manliligaw ay nangangako sa gabi lalo na pag bilog ang buwan upang makasuyo at makatabi sa buong magdamag kung saka-sakali. Sa ngayon bilog ang buwan bago ang kasalan. Ganito ang pagkasunod-sunod, kasalanan-kasalan-kasa, in English sin-wedding-divorce.
- Marahil ang iba sa atin ay gustong lumipad katulad ni Darna, ayon manananggal sa kabilugan ng buwan.
- Ok lang na saksi ang buwan at bituin, di naman sila pwede maging witness sa hukuman.
- Tuwing eleksiyon laging gabi ang rally dahil panahon ito ng pangako.
Pare 1: Bastos mo naman Pre.
Pare 2: Bakit?
Pare 1: Umiihi ka sa tabi ko.
Pare 2: Paano mo nalaman umiihi ako? I Ikaw naman ang tumingin hindi ako.
Pare 1: Narinig ko.
Pare 2: But mo pinapakinggan, kasalanan mo pa rin.
Pare 1: Bastos mo kasi tinalikuran mo ko habang kausap.
Pare 2: Alangan naman haharap ako sayo umiihi ako baka hindi ko mashoot at sasablay.
Pare 1: Kahit na pag-kausap mo ang tao, wag mong tatalikuran.
Pare 2: Paano mo nalamang tinatalikuran kita? Dahil tiningnan mo ko? So sinong may kasalanan ngayon?
Pare 1: Bastos mo pa rin but ka sumabay?
Pare 2: Eh bakit ginawa tong toilet na may inodoro at lababo?
Pare 1: Kahit na, dapat one person at a time.
Pare 2: One person at time, eh ang luwag luwag nga ng room na to, 8m².
Pare 1: Hindi naman yon ang sukatan.
Pare 2: Ayan na naman tayo, sino ba nakakaalam na sumabay ako sayo? Di ba ikaw?
So sino na ang may kasalanan?